Sa bintana ako'y nakadungaw
Mga mata'y nakatuon sa alapaap
Marahan silang itinutulak ng hangin
kaya sa buwan sila'y napapayakap
Kinikilig ang mga bituin
Nagsasabog sila ng ningning
kaya mga mata ko'y naakit
na sa kaibuturan nila ako'y sumilip...
Nakita kita, payapang naiidlip
maamo mong mukha, kayang-kaya ko pa ring iguhit
marahang pagpintig ng puso mo
naririnig pa rin ng puso ko
malamig mong mga kamay
nararamdaman kong hinahaplos ako
matamis mong pagbulong
sagot sa panalangin ko
nakikita kita, sa loob ng bituin
ngunit di na kita kayang abutin
madalas rin nga kitang makita sa loob ng puso ko
ngunit sa loob ka na lang, wala na sa labas.
aww sis. that really touched me. naalala ko tuloy ung late bf ko. hayyy. dont worry im better now . at meron na uli magbibigay ng ayskrim. thanks for this dear
hindi ako nagpaulan...nagpunta kasi akong manila kahapon may sinat na ko ng madaling araw..eh may naiwan ako sa bus,ayun hinabol ko yung bus sobrang layo nga ng tinakbo ko napagod ako kaya sumama lalo pakiramdam ko.
wow, tirahan ako ha^^
huhuhuhu.
baka mamaya umuubo ka na rin^^
nagpaulan ka?
inom ka gamot...tapos madaming water^^
rest ka...tama na kakainternet
ikaw nga diyan walang patid sa internet eh .
hala buti na lang matulin ka tumakbo no^^
kung hindi sayang yun, wow angganda mo sana kunan pic nun...