Isang dapithapon, habang lingkis ng mga daliri ko
ang pares ng aking putikang tsinelas
at masuyong niyayapos ng malamig na tubig
ang hubad kong mga paa,
namataan kita
ikinukubli na ng mga kabundukan
ang dambuhalang lampara na may ilaw
tinatabingan na rin ng sandamakmak na ulap
ang taglay noong ningning
kaya't anino ka lang sa aking paningin...
ang libong bato sa batis
marahas na pinaghahalikan
ng nagmamadali kong mga talampakan
hanggang sapitin na ang ibayong damuhan
na dinilaan na ng hamog
saglit akong tumigil...
banayad na pinakinggan ang salit ng musika
na likha ng mga kuliglig
at unga ng mga baka
saka ako marahang tumakbo
palapit sa iyo
sabay sa pag-ihip ng hangin
ay ang pagkiskis sa balat ko ng iyong mga dahon
habang nasasamyo ko ang halimuyak ng iyong pabango
na galing pa sa bunga mong hugis-puso
unti-unti ako'y napapikit
hindi namalayan na ang puti kong damit
ay singputik na rin ng pares ng aking tsinelas
habang ang pagal kong likod
sa katawan mo'y naninikluhod
















Devious Comments
Comments
--
True Beauty Lies In Things That Last Forever
Never Rotten or Fading and Becomes More
Beautiful Time after Time...
---------------------------------------
No matter how hard you try
Nothing beats the Original
and I thought readers would interpret them literally...
--
"Give a little love...
and it all comes back to you."
--
True Beauty Lies In Things That Last Forever
Never Rotten or Fading and Becomes More
Beautiful Time after Time...
---------------------------------------
No matter how hard you try
Nothing beats the Original
I'm glad to know there are still people like you
--
"Give a little love...
and it all comes back to you."
--
i wonder y kuha mo lahat un...hehe
cguro kasi ikaw lang ang pinakanakakaalam
hehe...shhh
--
"Give a little love...
and it all comes back to you."
hinog na hinog tlga pus0 mo.. XD
--
hinog sa puno e...hindi sa pilit...masarap yun db?^^
--
"Give a little love...
and it all comes back to you."
Previous Page1234Next Page